8/21/09 Jamming By The Pool VIP List

Tuesday, August 18, 2009

Heto ang update ng mga makikijamming by the Pool Side sa biyernes:

VIP List:

1. Anjsh
2. Victor "Siyete Polgadas" Guerrero aka Santino
3. Jo.Slim Regondola
4. Brix "Machete" Sanga
5. Saimon "Kung-Fu Panda" Apor
6. Diane
7. Cotton Candy
8. Jayson Frias
9. Ross

Yan pa lang ang nagkumpirma. Kung sa tingin niyo wala pa kayo sa list, ipagbigay alam lang sa mga kinauukulan.

Maraming Salamat!

Dios Mabalos saindo mga Tugang!

8/21/09 Jamming By The Pool Invitation

Tuesday, August 11, 2009

The Pool

Uhum...

Pag pinagsama ang brandy, beer, tequila, pulutan, gitara, KTV, swimming pool, 2-piece, trunks at ang mga ka-berks ng Op Da Syor sa darating na August 21, 2009, siguradong walang humpay na kasiyahan at hiyawanan nanaman 'to! Oo! Sa sobrang saya, pati mga taga Alexandra Residence ay nakikiparty rin kasama ng mga sekyu na nasa baba (wink)! So, anu ba itong kaganapan? Check this out!

*
*
*
*
*
*


WHAT: Jamming by the Pool (wet and wild party)

WHEN: August 21, 2009, Friday 6PM onwards. (holiday po ito, ibig sabihin walang pasok! Ninoy Aquino Day)

WHERE: Sa labas lang ng ating munting Opis. 5th floor, Tycoon Centre Condo... Sa may Pool!

WHO: Sino pa nga ba kundi ikaw! Op Da Syor pips, Matador Knights, Day Shifters, Night Shift hunks and babes, The Cotton Candies, HR/Admin, IT, mga bisor, Chip Bergara(depende sa shift nya), Delwood Boys... Pwede rin magsama ng friends from the outside world, siguraduhin lang na sila ay magaganda (requirement ng mga hombre) at gwapito (request ng mga Mujer at klavongs), at kasama din sila sa PPA (Patak-patak Para sa Alkohol). Intiendes? Si Si...

How: Siguro naman matanda ka na para malaman mo ang daan papunta dito, diba? Pwede kang mag jeep, elarti, emarti (wag lang pag tenterti), taxi, Fx, bisikleta, motor, car, skateboards etc...

Why: Hello??! Party ito kaibigan...Kailangan nating magsaya! At isa pa, malinis na ang pool, masarap mag-basa at magbabad...katulad ng mga bruskong binata na nasa pic sa baba!

MEGANON??!!
hahaahahha!

SIGN UP NOW!!!

So, anu pa ang hinihintay nyo mga kapatid?! Kumpirmahin ang inyong attendance sa pamamagitan ng pag-comment sa post na ito kung kayo ay jojoin, nang sa gayun ay maitala na ng mga organizer ang inyong pangalan sa VIP list at para din malaman kung ilan ang makiki-wet-and-wild! Type in your NAME (space) YES, JOIN AKO plus your questions and suggestions kung meron man.

For inquiries, contact niyo lang 'tong lalakeng nasa larawan sa baba...


*
*
*
*
*

REMINDERS:
Sa mga jojoin, kayo ay required na magbibit ng kanya-kanyang foods, pulutan, chichirya, softdrinks at kung anu-anu pang mga stuff na pwede nating ishare sa party. About the drinks (alkohol), sa mismong venue na tayo mag papatak-patak ng ating mga kontribusyon para dito.

'Eto ang mga suggested drinks/cocktails:

GranMa (Iced Tea on the side)
J.Frias Mixx by Jason
Warshak mixed drink by Mam Anj
Beer (SML, RH, Gold Eagle)
Tequila
ETC..

Let's Party!!!


ganito lang ang trippings...

WET

&


WASTED!!!


************************************JOIN**NA***************************************

Matador Nights Exclusive!!! Billy B Learns to Rock (Boy Band Style)

Monday, July 27, 2009

Matador Nights...

Hindi lubos akalain ng Matador Nights Club na si BillyJay na kilala sa pangalang Billy B_ _ _ _ (According to Jo.Slim) ay isang ring bibong bata! Si Billy B ang pinakabagong miyembro ng MNC na pinatunayan ang kaniyang galing sa laklakan noong nakaraang biyernes sa Crib ni Cotton Candy. Nag simula ang Matador Friday session bandang alas sais ng gabi at tumulo ang huling patak ng pangatlong bote ng Granma at nginatngat ang natitirang taba ng liempo bago mag alas dos ng umaga...

Ngunit hindi diyan nag tatapos ang kasiyahan! Napagpasyahan ng MNC na magbanlaw sa isang KTV bar sa may 'di kalayuan. At siyempre, hindi na nag paawat ang bawat isa sa pag birit ng kanikanilang mga piyesa. Sumayaw ala Jacko si Teddy Bear Sai, nag rakenrol si Jo.Slim (si Joel Regondola po si Jo.Slim) at marami pang ibang nakakaaliw na kaganapan noong nakaraang biyernes!

Pero heto ang pinaka PANAALLOOOOOO.... Watch this...

EKSKLUSIBO!!!




stand by for the pix... wala pa si Billy B

Jamming Mondays FEAT Miss JAS-G!!!


Noong nakaraang lunes ay nasaksihan natin ang paglantad ng 'di umano'y "Best Kept Secret" talent ng Op Da Syor kasama ang mga bruskong miyembro ng The Cotton Candies band. Ipinamalas ng dalaga ang kanyang angking 'ginintuang tinig' na sin-tunog ng kinakagat na lumpia... Crispy but softy!!! umummmm! Saksihan natin ang ilan sa mga kaganapan at biritan sa nag iisang tanghalan ng mga talentadong Ka-opdasyor... Ang Jamming Mondays!


LICK este CLICK ME!

Jas-G and the Cotton Candies

*******************************************************************

Sa sususnod na Jamming Mondays, abangan ang isa pang talent ng Op Da Syor! Sino?! Secret muna... pero, heto ang clue.... The Next BIG star is....




ABANGAN!!!
d

NGET HU 4?!

Wednesday, June 24, 2009

Well hello mabuhay! Mukhang hindi na na a-update ang ating NGET HU portion kaya gumawa na ako ng kaukulang aksyon para dito (Pasensya na sa delay, busy sa work eh!)... Ang pinakabago at pang apat na NGET HU?! ay narito na mga kapatid. 'Eto ang inatupag ko sa nakalipas na isang oras... Medyo nahirapan akong iguhit ang taong 'to, pinalupet ko talaga at baka malintikan ako sa kanya... hihi. Naisipan ko siyang ifeature dahil sa isang BIDYO na talaga namang nakakaaliw! Si NGET HU?! number four ay madalas nating makita sa paligid. So 'eto na mga clues....



NGET HU?! 4 (iclick ang image for a larger view)

CLUES:

1. Madalas siyang magpadala ng emails sa Op Da Syor Pipz
2. Rakista din 'to! Bokalista ng banda, kasama ang sikat na si Machete...
3. Magaling mambo... I mean magaling sa basketbol...
4. Dating miyembro ng F4
5. Itago natin sa initials na SP

Ang makakahula sa ating NGET HU?! no.4 ay makakareceive ng isang malupet na NAVCC!!! BWAHAHAHA!!! Sige po, Nget Huuuuuuuuuuuuuuuuuuu??!!

Hanggang sa muli...

Guys, paki share na lang ng ating blog sa iba nating kasamahan na wala pang ideya tungkol sa mga kalokohan na ito.. hihi..

PISAWT!

Jammin' Mondays 06/22/09 - The Cotton Candies and Miss Ajel

Tuesday, June 23, 2009

Yo! Kumusta Op Da Syor pipz? After two weeks at heto, may bagong post na sa wakas. Medyo naging busy kase ang inyong mga correspondents dahil subsob sila sa work. Anyways, heto ang ilan sa mga eksena noong nakaraang Jammin' Mondays (Ang Pagbabalik) featuring ang 'Palakol ni Machete & The Cotton Candies'... and of course, ang ating pinaka bagong HR head na si Miss Ajel na talaga namang super talented! Halo! Halo! Halo!

Jammin' Mondays



Here's the 'almost' full coverage of Jammin' Mondays June 22, 2009
Salamat kay Vandolph for this Super HD Video! LOL

THE MAIN EVENT: Miss Ajel!



Next Monday ulit!

ANNOUNCEMENT!!!

Wednesday, June 3, 2009



Hello! Announcement mga kaOpsyoran...


Nakikita niyo naman ang ating pool sa labas diba? Mapapansin niyo na bumalik na ang dating kagandahan at linis ng swimming pool natin dito sa Op Da Syor. Kanina lamang ay habang pinagmamasdan namin ang tubig sa pool, at sinabayan pa ng mga romantikong rain drops mula sa kalangitan, naisip namin na parang ang sarap mag swimmeng!

Kaya naisipan ng karamihan na sa darating na June 12, 2009, Independence Day (wala tayong pasok!:), ay magkakaroon ng maliit na night swimming party! Heto ang karagdagang detalye:

"Huling Hirit sa Tag-Init?"
a Night Swimming Party
June 12, 2009, Friday
6PM up to sawa (hanggang kumulubot ang mga daliri nyo sa kamay at paa)
Venue: Diyan sa labas, sa may pool, san pa nga ba?!
Attire: Semi-nude
NOTE: may contribution po. P300 per head para sa "softdrinks" and foods...ihaw-ihaw, lechon, boy bawang atbp!

For Inquiries, PM nyo na lang po si Mam Anj or kung sinong Delwood Boy.

Ilagay po ang inyong mga panagalan sa comment section para ikumpirma ang inyong presensya sa darating na party! Maraming Salamat! Let's get WET!!!

NGET HU?! 2

Oryt! Magandang hapon Op Da Syor pipz! Welcome sa panibagong tagpo dito sa NGET HU?! portion ng ating blog. Para sa ating next NGET HU?!, siya mismo ang nag volunteer at nag request na siya na raw ang ifeature ko sa susunod na post. Pinagbigyan ko na at malaks naman sakin etong si Pareng Kabisote. Bweno, alam niyo na ang rules sa pa-contest na ito, so wataryuwetingpor?! NGET HU?! na!




Eto pala mga CLUES:

1. Gwaping din, (mas pogi siya sa caricature haha)
2. Slim ang pangangatawan
3. Mahilig sa photography :D
4. Mahilig sa mga menor de edad na chikas? Tama ba?HAHAHA. Peace!
5. Tagapamudmod ng Sodeksow GCs

Ang mananalo sa NGET HU?! 2 ay mabibiyayaan ng GC galing kay pareng Kabisote!:)

BLIND ITEM episode 3 with COTTON CANDY



ENJOY!


NGET HU? 1

Monday, June 1, 2009

Welcome sa pinaka-unang post ng NGET HU?! Ang episode na ito ay maglalabas ng mga caricatures ng randomly selected ka-op-da-syor pipz at kayo ang huhula kung sino sila! YEs, my reader's participation para masaya! Simple lang ang mekaniks... hulaan kung sino ang nasa sketch of the day batay sa mga babanggiting CLUES. Kewl diba? Ang dali! Lahat ay pwedeng sumali. Ilagay lamang ang inyong mga sagot sa comment page ng post at isulat ang inyong pangalan, favorite color at lagdaan... Ang mananalo via ini-mayni-mo elektronik draw ay mag uuwi ng isang item (pag iisipan pa namin).

Okay, wag na nating pataglin pa! Eto na ang NGET HU?! number one...

Si Nget Hu? no. 1 with his shining shimmering killer bungisngis look!


CLUES:

1. Kaliwete
2. halos araw-araw naka wax ang hair
3. CHICKBOY!!! - ayon sa aming source na si J from Delwood Boyz
4. Mahilig mag extra rice
5. cute at kutis artista ang balat (naks!) - joke lang
6. binakuran ang ipin!

Anu pa ang hinihintay mo?? NGET HU mo na!!!


P.S.: Kung sino po ang gustong mag contribute ng kanilang mga caricatures at gusto niyong ipa-NGET HU?!, isumite lang ang inyong mga gawa kay Vandolph. Salamat po!

Blind Item with Cotton Candy!

Friday, May 29, 2009

Blind Item Part 1:


Blind Item Part 1.wav - Gago Radio 66.6


Blind Item Part 2:


Blind Item Part 2.wav - Gago Radio 66.6

Hello Op Da Syor Pipz!

Uhum... Sound check... testing...

Yow! Dahil sa patuloy na paglaganap ng walang-humpay na kakulitan dito sa ating munting opis, kami ay narito upang maging correspondents sa mga kaganapan dito sa Op Da Syor...

...Ihahatid namin ang mga kalokohan, kabulastugan, tawanan, kakornihan at mga bagay-bagay na kaaya-aya at walang kwenta. Kaya mag-ingat mga 'Pre, nasa palibot lang kami at ang aming TSOKO spy camera. (wink!)

We would like to dedicate this blog...whoah, wait! Ingles yun ah! Naks! Okay, ang blog na ito ay para sa ating lahat na masayang kumakayod sa Op Da Syor pamili. Kaya enjoy lang mga kapatid, tumawa at magsaya. Joke lang ang lahat ng ito.

Maraming Salamat! LET'S DO THIS!